Ang mga sumusunod na detalye o impormasyon ay patungkol sa mga pambansang batas na may kaugnayan sa mga migranteng manggagawa kabilang ang mga probisyon tungkol sa recruitment ng migranteng manggagawa at iba pang mga patakaran o programa para sa kanilang proteksyon (tulad ng pre-departure training, insurance schemes atbp.).

Council's decision No. 166 of 12 July 2000 on Regulations concerning the relationship between employers and foreign workers; Ayon ditto, ang relasyon sa pagitan ng employer at dayuhang manggagawa ay dapat pamahalaan ng kontrata ng employment,hindi ng patakaran ng sistema sponsorship. Itinatakda rin nito na ang mga dayuhang manggagawa ay responsible sa aplikasyon para sa residence permits sa Passports Department para sa kanila at sa kanilang mga pamilya.

Council of Ministers Order No. 257, 13 November 2006; Ayon sa polisiyang ito, ang bawat working permit ay nagkakahalaga ng 1000 Saudi Ryal.

Royal Decree M/73 Dated 17/11/1436H; Regulasyon patungkol sa mga contemporary at seasonal work visa.

Royal Decree Imposing a 1000 Ryal charge on worker occupation change; Nagtatakda ng isang 1000 ryal na singil sa pagbabago ng trabaho ng mga dayuhang manggagawa.

Regulations by the Supreme Royal Order No.17/2/25/1337 on 11/09/1371H (4/6/1952G) concerning Residency; Regulasyon ukol sa pagpasok, pananatili at paglabas ng mga dayuhan sa Saudi Arabia.