Isang plataporma sa pagrereview ng pandaigdigang recuitment at pagtratrabaho ang RecruitmentAdvisor. Nagbibigay ito ng madaling akses sa impormasyon tungkol sa mga recruitment agency at sa karapatan ng mga manggagawa para sa paghahanap ninyo ng trabaho abroad.
Ang RecruitmentAdvisor ay binuo ng iba’t ibang organisasyon mula sa iba't ibang bansa. May mga coordination team sa 4 na bansa (kabilang na ang Pilipinas, Indonesia, Nepal at Malaysia). Katuwang ang iba pang mga organisasyon sa bawat bansa, ang bawat coordination team ay kumikilos upang upang itaas ang kamalayan ng mga manggagawa sa kanilang karapatan sa patas o makatarungang recruitment batay sa ILO General Principles and Operational Guidelines for Fair Recruitment at hikayatin ang mga manggagawa na magbahagi at matuto tungkol sa recruitment sa pamamagitan ng RecruitmentAdvisor.
Ang mga pinakamahusay na tagapayo ay ang iba pang mga manggagawa na may karanasan na sa pagta-trabaho sa ibang bansa.
1. Suriin ang rating ng mga recruitment agencies batay sa mga review ng mga manggagawa.
2. Alamin ang iyong mga karapatan bilang manggagawa sa bansang patutunguhan.
3. Humingi ng tulong kapag nilabag ang iyong mga karapatan.
Nais naming magkaroon ng disenteng trabahoang lahat.