Ayon sa isang ulat ng ILO noong 2015, kabilang ang Qatar sa mga bansa ng Gulf Cooperation (GCC) kung saan ang mga naplano o isinasagawang mga malakihang proyektong imprastraktura ay humahantong sa mataas na demand para sa mga low-skilled workers. Mahigit 60% ng mga migranteng manggagawa sa Qatar ay hindi nakapagtapos ng secondary education.

Sa Qatar, tulad ng sa iba pang mga bansa ng GCC, ang pag-recruit ng migranteng paggawa ay isang malaking industriya. Kahit pa may mga batas, hindi nare-regulate ang mga recruitment costs. Ang pagtaas ng recruitment costs at kawalan ng regulasyon patungkol dito ay humahantong sa pang-aabuso at pagsasamantala, bukod sa iba pang mga iligal na gawain.

Kung sa 1990s at unang bahagi ng 2000s, karamihan sa mga migranteng manggagawa sa Qatar at iba pang mga bansa ng GCC ay nagmula sa ibang mga bansang Arabo, sa kasalukuyan, ang mga manggagawang Asyano ay itinuturing na "mas masunurin," "mas mura" at "mapapamahalaan." Ang pagtaas ng demand para sa mga manggagawang Asyano ay may kaugnayan din sa pagtingin na sila ay nagma-migrate na walang mga dependents, kumpara sa mga manggagawang Arabo na dumarating kasama ang kanilang mga pamilya at nagnanais ng permanenteng settlement. Malaki ang impluwensiya sa proseso ng recruitment ng pananaw sa mga manggagawang Asyano. Halimbawa, maaaring asahan ng mga employer na ang mga manggagawang Pilipino ay angkop para sa mga posisyon sa pangangasiwa dahil sa kanilang kasanayan sa Ingles at ang mabuting reputasyon ng mga training organizations sa Pilipinas. Ang mga taga-Pakistan naman ay may reputasyon bilang mahusay na mga drayber, ang mga manggagawa sa India ay inuugnay sa skilled labor, samantalang ang mga taga-Ethiopia, Vietnamese at Cambodian ay inaakala na handang magtrabaho para sa mas mababang kabayaran.

Sa mga bansa ng GCC, kabilang ang Qatar, ang recruitment ay pinamamahalaan sa pamamagitan ng sistemang Kafala (sponsorship), na nagre-require sa mga migranteng manggagawa na magkaroon ng aprubadong sponsor. Batay sa opisyal na pulisiya, ipinagbabawal ng Qatar ang pagkumpiska ng mga dokumento sa paglalakbay; gayunpaman, ang ilang mga sponsors ay maaari pa ring i-request ang mga pasaporte ng mga migrante. Binanggit ng ILO sa ulat nito ang isang pag-aaral noong 2013 kung saan ipinakita na 90 porsyento ng mga low-income workers ang nakaranas na ma-confiscate ang kanilang mga pasaporte. Pinipigilan nito ang kalayaan sa paggalaw at nagbibigay ng hindi makatwirang kapangyarihan sa mga sponsor laban sa mga migranteng manggagawa. Tulad ng iba pang mga pang-aabuso at pagsasamantala, ang mga negatibong epekto ng sistemang Kafala ay mas mapanganib para sa mga low-skilled workers, lalo na sa mga kababaihan.

Ang sistemang Kafala ay lubos na tinututulan ng mga NGOs. Ang pinakabagong ulat ng Qatar Foundation ay idinukumento ang mga kondisyon sa pagtatrabaho ng mga migranteng manggagawa, lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga malalaking proyektong pang-imprastruktura para sa 2022 FIFA World Cup. Sa isang ulat ng nasabing Foundation noong 2014, ipinakita ang ilang mga problema sa sistema ng recruitment. Una, kahit na may mga bilateral labor agreements ang Qatar sa ibang mga bansa, ang mga negosasyong ito ay nakatuon sa supply ng paggawa at hindi nakatauon sa fair recruitment practices. Pangalawa, tulad ng nabanggit na, ang mga migranteng manggagawa ay kailangang magbayad ng mataas na recruitment fees na umaabot sa hanggang $ 5,000. Pangatlo, madalas na binabayaran ng mga contractors ang mga kumpanyang nag-su-supply ng mga manggagawa, sa halip na diretsong bayaran ang mga empleyado, na nagiging dahilan upang mas maging masalimuot ang recruitment at employment relations. Panghuli, ang mga kontrata, kung napirmahan man, ay madalas ipinagkakait sa mga manggagawa o binabago ang nilalaman kaya mas mababa ang sahod at kondisyon sa trabaho kaysa sa naunang napagkasunduan. Ipinakita rin ng ulat ang mga problema sa pagpapasunod sa batas, dahil pati ang mga iligal na gawain tulad ng visa trading ay laganap pa rin.

Gayunpaman, nagpalabas kamakailan lamang ang pamahalaan ng Qatar ng bagong patnubay at mga commitments upang buwagin ang sistema ng kafala, sa pamamagitan ng 6 (anim) na hakbang kabilang ang:

  1. Upang maiwasan ang contract substitution o pagpalit ng kontrata, ilalagay sa ilalim ng isang ahensya ng gobyerno ang mga employment contracts. Sa pamamagitan nito, maiiwasan na ang kalakaran kung saan nababago ang unang napagkasunduan at napapalitan ang trabaho o ginagawang mas mababa ang sahod ng mga migranteng manggagawa.
  2. Hindi na mapipigilan ng mga employers ang desisyon ng mga empleyado nito na umalis sa bansa.
  3. Magkakaroon na ng minimum na sahod na sasaklaw sa lahat ng manggagawa upang wakasan ang di makatuwirang sistema kung saan binabatay ang sahodĀ  sa lahi ng manggagawa.
  4. Ang mga identification papers ay ibibigay na ng direkta ng Estado ng Qatar upang hindi nan aka depende ang mga manggagawa sa kanilang employer upang kuhaan sila ng ID card na kailangan nila para maka-avail ng medical treatment.
  5. Magtatatag ng mga komite ng mga manggagawa sa bawat workplace, at ang mga manggagawa ang siyang pipili ng kanilang sariling mga kinatawan.
  6. Magtatayo ng special disputes resolution committee na may timeframe sa pag-respond sa mga grievances upang matiyak ang mabilis na pag-resolve sa mga reklamo.

Alamin ang higit pa tungkol sa degree of respect para sa mga manggagawa 'karapatan sa bansa batay sa ITUC Global Karapatan Index dito.