See this article for Pilipinas

Siguraduhin na kumpleto ang inyong dokumentasyon!

Upang makapagtrabaho sa Oman, kailangan ng employment visa at labour permit. Kailangan din ng sertipikasyon ng medical fitness para sa mga mamamayan ng India, Pakistan, Pilipinas, Bangladesh, Indonesia, Sri Lanka, Ehipto, Syria, Sudan, at Ethiopia. Nagbibigay ang Royal Oman Police ng serbisyong online para sa visa at aplikasyon sa work permit pati na rin sa mga renewal. Dito, maaari ninyong bantayan ang kalagayan ng inyong aplikasyon sa pamamaraang elektronik. Kailangan ninyong hawakan ang inyong labour card (civil status ID card) sa lahat ng pagkakataon.

Pumirma ng Kontrata na nagsasaad ng patas na pagtrabaho!

Mahalagang siguraduhin na meron kayong nakasulat na kontrata ng inyong trabaho. Bago pirmahan ang inyong kontrata, basahin ito ng mabuti. Huwag pirmahan ang kontratang hindi ninyo naiintindihan o sinasang-ayunan, at makipag-negosasyon sa employer tungkol sa mga kondisyon ng inyong kontrata. Dapat din na lagi kayong may dalang kopya ng inyong pirmadong kontrata at may karapatan kayong gawin ito.

Maging Maalam!

Palalimin ang kaalaman tungkol sa batas paggawa ng Oman. Nagbibigay ang Ministeryo ng Lakas-Paggawa ng impormasyon tungkol sa Batas Paggawa ng Oman at sa Wage Proteksyon System. Bukod dito, nagpapalabas din sila ng regular na update sa mga usaping pangtrabaho. Nagbibigay din ng impormasyon ang Royal Oman Police tungkol sa batas sa visa ng mga expatriate. Bukas 24 oras kada araw ang Labour Relations Office ng Muscat International Airport upang magbigay alam sa mga bagong dating na migranteng manggagawa at pag-aabot ng mga brochure tungkol sa batas paggawa ng Oman.

Alamin ang inyong mga Karapatan at Obligasyon

Bilang migranteng manggagawa sa Oman, may karapatan kayong magdala ng kopya ng inyong kontrata sa trabaho, mabigyan ng insurance ng inyong employer para sa mga pinsala sa trabaho, mabigyang kompensasyon sa overtime, makatanggap ng bayad sa tamang oras, at makakuha ng sapat na sustento, akomodasyon, at paggagamot habang balido ang inyong kontrata. May ginawang booklet ng impormasyon ang Ministeryo ng Lakas-Paggawa tungkol sa karapatan at obligasyon ng mga migranteng manggagawa.

Isumbong ang Inyong mga Reklamo sa Paggawa

Laging magkaroon ng listahan ng mga detalye ng pakikipag-ugyanan sa mga kawani ng gobyerno at unyon para sa mga pagkakataong makakaranas kayo ng mga problema sa recruitment o trabaho. Maaaring isumbong digitally ang mga paglabag sa inyong kontrata at iba pang pagtatalo sa paggawa sa online portal ng Ministeryo ng Lakas-Paggawa. Tandaan na hindi kayo dapat mag-resign agad sa inyong posisyon dahil maaari kayong malagay sa iregular na sitwasyon sa trabaho.

Iba pang Mahahalagang impormasyon