See this article for Pilipinas

Pinapakita ng susunod na table ang mga detalye hinggil sa mga pambansang batas na mahalaga para sa mga migranteng manggagawa, kabilang ang mga probisyon na nagbibigay ng regulasyon para sa pag-recruit ng mga migranteng manggagawa at mga hakbang para sa kanilang proteksyon (tulad ng pre-departure training, insurance schemes, atbp.)

Taon

Batas

Deskripsyon

2004

 

Desisyon ng Ministeryo ng Kalusugan Bilang 18 na nagbibigay ng allowance sa pabahay sa mga empleyadong hindi Omani sa Ministeryo ng Kalusugan

 

Nagbibigay ang Kautusan ng chart at deskripsyon ng mga kondisyon para masabi kung sino at kalian dapat makakuha ang empleyadong hindi Omani ng allowance sa pabahay

2005

 

Kautusang Sultani Bilang 4 na Inaamendyahan ang ilang probisyon ng Batas ng Social Insurance at Sistema sa Social Insurance para sa mga Omaning nagtratrabaho abroad at mga taong may parehong kalagayan

 

Pinalitan ang Aritikulo 21 (1) ng Batas sa Social Insurance (Kautusang Sultani Bilang 91/75), at Artikulo 30 (1) ng Sistemang Social Insurance para sa mga Omaning nagtratrabaho Abroad (Kautusang Sultani Bilang 32/ 2000). Binawi din ng Kautusan ang Artikulo 21 (3) ng Kautusan Bilang 91/75.

2008

Kautusang Ministeryal Bilang 248 sa Suspensyon ng mga Pagbabawal sa Pakikilahok sa Ekonomiya at Pagpraktis ng Propesyon ng mga Mamamayan at Myembro ng Cooperation Council for the Arab States of the Gulf (GCC)

 

Binawi ang mga pagbabawal sa trabaho na inilagay sa iba’t-ibang mamamayan ng mga bansang GCC noong ika-18 na mataas na konseho ng 1987. Nagbibigay ang Kautusan ng patas na pagtrato sa mga mamamayang ito sa usapin ng trabaho.

2009

Kautusang Ministeryal Bilang 445 na nagbibigay regulasyon sa trabaho ng mga receptionist sa mga pribadong pagamutan at club

Ayon sa Kautusan, hindi maaaring magtrabaho bilang receptionist sa mga pribadong pagamutan at club ang mga dayuhang nasyonal. Subalit, maaaring magpatuloy sa pagtratrabaho ang mga dayuhang manggagawang nasa mga propesyong ito na meron paring work permit na may bisa hanggang sa katapusan nito na buong ang kaalaman na hindi na ito marerenew.

 

2011

Kautusang Ministeryal Bilang 1 na nagbibigay regulasyon sa pag-recruit ng lakas-paggawa na hindi Omani

 

Nagbibigay regulasyon ang Kautusan tungkol sa pag-recruit ng lakas-paggawa na hindi Omani.

2013

 

Kautusang Ministeryal Bilang 192 na nagbibigay regulasyon sa porsyento ng pambansang workforce ng Oman sa loob ng industriyang insurance sa pribadong sektor

 

Dapat aabot sa 65% ng kabuuang lakas-paggawa ng mga  establisyemento ang mga Omani nasyonal sa larangan ng insurance sa pribadong sektor. 

2018

 

Desisyong Ministeryal Bilang 270 na nag-iisyu ng Organizational Code

Patungkol sa pag-uulat sa mga Manggagawang Hindi Omani na Umaalis ng trabaho

 

Kabilang sa mga Desisyong Ministeryal ang Kabanata III: Pagtutol ng mga Manggagawa sa Pag-uulat o Pagbawi ng Employer ng Pag-uulat; Kabanata IV: Resulta ng Pag-uulat; Kabanata V: Mga Parusang Administratibo

Source: Natlex