Ang mga sumusunod na detalye o impormasyon ay patungkol sa mga pambansang batas na may kaugnayan sa mga migranteng manggagawa kabilang ang mga probisyon tungkol sa recruitment ng migranteng manggagawa at iba pang mga patakaran o programa para sa kanilang proteksyon (tulad ng pre-departure training, insurance schemes atbp.).
Year |
Legislation |
Description |
1974 |
Labor Code of the Philippines (Presidential Decree No. 442) |
Pangunahing batas na namamahala sa mga gawi sa pagtatrabaho at relasyon sa paggawa sa Pilipinas |
1995 |
Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 (RA NO. 8042) |
Nagtatag ng mga patakaran para sa pagtatrabaho sa ibang bansa at mga pamantayan para sa proteksyon at pagsulong ng kapakanan ng mga migranteng manggagawa, kanilang mga pamilya, at mga Pilipino sa ibang bansa na nasa mahirap na kalagayan |
2003 |
Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (Republic Act No. 9208)
Overseas Absentee Voting Act of 2003 (Republic Act No. 9189)
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003 (Republic Act No. 9225) |
Nagtatatag ng mga patakaran at institusyunal na mekanismo upang magbigay ng suporta sa mga taong na-trafficked
Nagbibigay sa mga kwalipikadong Pilipino na nasa ibang bansa ng karapatang bumoto sa pambansang halalan
Pinahihintulutan ang dual citizenship
|
2009 |
RA No. 10022 amending Republic Act No. 8042 |
Batas na nag-aamyenda sa RA No. 8042 |
2012 |
Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 (RA No. 10364), an act expanding RA No. 9208 |
Batas na nag-aamyenda sa RA. No. 9208 |
2013 |
Overseas Voting Act of 2013, or Republic Act 10590 |
Batas na nag-aamyenda sa RA No. 9189 at ginagawang mas madali ang pag-access sa mga pasilidad ng pagboto para sa mga OFW |