Aabot sa humigit kumulang na 600,000 ang mga migranteng manggagawa sa Bahrain (55-75% ng kabuuang populasyong manggagawa ng bansa). Mahahanap ang mga ito lalo na sa unskilled at low-skilled na trabaho tulad ng pagiging kasambahay, konstruksyon, at sa industriyang wholesale at retail. Ayon sa datos kamakailan, aabot sa 100,000 ang mga migranteng kasambahay sa Bahrain. Sa konteksto ng pagpapatupad ng mga proteksyon para sa mga dayuhang manggagawa, masasabing progresibo ang Bahrain, lalo na kung ikukumpara sa ibang mga bansang GCC. Maraming mga patakaran ang napatupad ilang taon pa lamang ang lumilipas. Sa pagitan ng 2010 at 2013, ang Bahrain ang unang bansang GCC na sumang-ayon sa Decent Work Country Programme (DWCP) ng International Labor Organization patungkol sa pagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawa, seguridad sa sahod, at pagtratrabaho ng kababaihan. Noong 2016, bukod sa iba pang mga inisyatibo, nagsimula ding ang usapin para sa bagong DWCP programme ayon sa pandaigdigang pamantayan ng paggawa at proteksyon ng mga migranteng manggagawa.

Bukod dito, ang ibang mga batas ng Bahrain ay nakatugon, halimbawa, sa pagsasaklaw ng mga migranteng manggagawa (bukod sa mga kasamabahay na bahagyang nakasama lamang) sa batas paggawa; parusang kriminal para sa mga pang-aabuso at hindi pagbayad ng sahod; regulasyon ng mga recruitment agency; pagpapahaba ng sick day at taunang bakasyon; at kompensasyon para sa illegal na pagkatanggal sa trabaho. Ang Labor Market Regulatory Authority (LMRA) ang nangangasiwa sa pag-isyu ng mga work visa, paglilisensya ng mga recruitment agency, at ng paglilipat ng trabaho. Nagkaroon na din ng standard contract para sa mga kasambahay mula noong Oktubre 2017 upang klaruhin ang mga usapin sa trabaho tulad ng sahod, pahinga, at mga responsibilidad.  

Ngunit, sa kabila ng mga ito, marami paring mga problemang hinaharap ang mga migranteng manggagawa lalo na sa usapin ng pag-recruit at pagtrabaho. Bago umalis sa bansang pinagmulan, madala silang singilin ng mga Bahraining recruitment agency ng napakalaking salapi na higgit sa kinakailangang bayaran (katumbas ng sampu o labing-dalawang buwan na sahod). Karaniwan ito para sa mga construction worker, ngunit mas bihirang mangyari sa mga kasambahay na dumadating sa Bahrain sa tulong ng mga pormal na recruiter. Ang utang na naiipon dahil sa presyo ng bayarin (dagdag pa sa gastos para makalipad halimbawa) ay nangangahulugan  na mas nag-aalangan ang mga manggagawang iwanan ang mga delikado at abusadong trabaho.

Dahil din sa sistemang kafala ng Bahrain (kung saan nasa masusing pagmamasid ng mga employer and mga migranteng manggagawa at limitadon ang abilidad na magpalit ng employer o umalis ng bansa), naiipit ang mga manggagawa sa mga problema sa kanilang trabaho. Ilan dito ang mababang sahod, kakulangan sa pagbayad, mahabang oras sa trabaho, limitadong pahinga at day off, sapilitang pagkakulong sa tinitirhan, pagkuha ng pasaporte, at abusong pisikal, panalita at sexual (ang pinakahuli lalo na sa mga kasambahay). Madalas makulong ang mga construction worker sa mga masisikip na tirahan at nagtitiis sa kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, malinis na pasilidad at kagamitan.

Sa kabila ng ilang pagtatangka ng mga employer at ng gobyernong Bahraini na ipatupad ang mga patakarang tumutugon sa mga isyu, may ilang mga gobyerno ng mga pinagmumulang bansa (tulad ng India at Pilipinas) na kinakailangan ang pagbayad ng buwanang minimum wage para sa kanilang mga manggagawa sa Bahrain. Bukod dito, mas kakaunti ang sinasahod ng mga kasmbahay kung ikumpara sa mga migrante sa iba pang mga industriya. Laganap din ang diskriminasyong ng mga kasambahay sa kamay ng mga Bahraini. 

Alamin pa lalo ang antas ng paggalang sa karapatan ng mga manggagawa sa bansang ito base sa ITUC Global Rights Index na matatagpuan dito.