See this article for Pilipinas

Siguraduhin na kumpleto ang inyong dokumentasyon!

Ang General Directorate of Residence and Foreigners Affairs (GDRFA) sa Abu Dhabi, Dubai, Sharjah, Ajman, Ras Al Khaimah, at Fujairah ang responsable sa mga isyu kaugnay sa imigrasyon tulad ng pag-issue ng mga visa at entry permit sa bawat emirate. Nararapat bigyang pansin na meron na ngayon ang GDRFA sa Dubai ng 24-hour toll-free “AMER Service” para sa mga issue sa visa. Ang Ministeryo ng Paggawa naman ang nag-iisyu ng mga work permit. Kapag rehistrado na sa UAE, ang mga aplikasyon para sa bagong visa o visa renewal mula sa mga mamamayang GCC ay maaaring ipasa sa eChannels portal ng Federal Authority for Identity and Citizenship. Sila rin ang nagproproseso ng mga aplikasyon para sa ID at mga renewal. 

 

Pumirma ng Kontrata na nagsasaad ng patas na pagtrabaho!

Mahalagang siguraduhin na meron kayong nakasulat na kontrata ng inyong trabaho. Bago pirmahan ang inyong kontrata, basahin ito ng mabuti. Huwag pirmahan ang kontratang hindi ninyo naiintindihan o sinasang-ayunan, at makipag-negosasyon sa employer tungkol sa mga kondisyon ng inyong kontrata. Dapat nakasaad sa kontrata ang impormasyon tungkol sa inyong sahod, oras ng trabaho, holiday at regulasyon para sa pahinga, pati na rin ang mga kondisyon ng terminasyon. Karamihan ng mga kontrata ng trabaho sa UAE ay tumatagal ng dalawang (2) taon. Meron kayo dapat laging dala na pirmadong kontrata.

 

Alamin ang inyong mga Karapatan!

Alamin ng mabuti ang mga batas paggawa sa UAE. Regular na nagbibigay ang GDRFA ng impormasyon sa bawat emirate tungkol sa pagtratrabaho sa UAE (tulad ng sponsorship, paghahanap ng trabaho, kondisyon ng trabaho, mga kontrata ng trabaho).

 

Maging Maalam!

Nagbibigay ang opisyal na online portal ng gobyerno ng UAE ng impormasyon tungkol sa paglipat patungo sa bansa. Kabilang dito ang impormasyon sa paghahanap ng trabaho; ano ang ibig-sabihin ng mga prohibisyon sa paggawa, proteksyon sa mga manggagawa, at benepisyo sa social secrutiy; pag-apply ng visa at Emirates ID; paghahanap ng tutuluyan; maging ang pag-ayos ng byahe papunta sa UAE. Dadag dito, kasalukuyang naghahanda ang GDRFA at ang Permanenteng Komite para sa Usaping Paggawa ng Dubai ng handbook na ipamimigay sa mga migranteng manggagawa.  Nakasulat ito sa wikang Ingles, Arabo, at Urdu.

 

Irehistro ang inyong mga reklamo!

Laging magkaroon ng listahan ng mga detalye ng pakikipag-ugyanan sa mga kawani ng gobyerno at unyon para sa mga pagkakataong makakaranas kayo ng mga problema sa recruitment o trabaho. Maaaring ilapit at iparehistro ang mga reklamo ng mga employee at manggagawa sa UAE Ministry of Human Resources & Emiratisation.

 

Iba pang Mahahalagang Impormasyon