Kahit na dapat lisensyado ang mga recruitment agencies, laganap pa rin ang mga mapanlinlang at mapang-abusong mga gawi. May ban sa mga pribadong recruitment agencies noong 1995 ngunit tinigil ito dahil na rin sa patuloy na pag-hire sa mga dayuhang manggagawa. Ang paglaki ng bilang ng mga outsourcing companies ay nagmsimula sa isang patakaran noong 2005. Ni-require ng patakarang ito ang mga kumpanya na nag-ha-hire ng hindi tataas sa 50 migranteng manggagawa na mag-recruit direkta sa bansang pinagmulan o gumamit ng outsourcing companies. Intensyon noon na palakasin ang sistema ng recruitment at gawin itong mas mabisa at flexible ngunit lumago ito lagpas pa sa kapasidad ng gubyerno at humantong sa mga pang-aabuso na may kaugnayan recruitment fees. Humantong ito sa pagpapatigil ng pagpapalabas ng mga lisensya at mga work permit sa mga outsourcing companies. Mula noong 2013, unti-unti nang tinatanggal ang sistema ng outsourcing.

Kinumpirma ng Eleventh Malaysian Plan ang pagbabago sa patakaran at sinabi na ang Ministry of Human Resources ang ganap na may pananagutan sa pagsasaayos ng recruitment ng mga migranteng manggagawa. Ang papel na ginagampanan ng mga kompanya ng outsourcing at iba pang mga tagapamagitan ay ganap na naalis. Gayunpaman, ang kasalukuyang mga kompanya ng outsourcing ay mayroon pang mga lisensya na may bisa hanggang 2021. Ang mga kumpanya ay madalas na hindi nagbibigay sa mga migrante ng mga katanggap-tanggap na mga pasilidad sa pabahay, matatag na trabaho, kalayaan sa paggalaw o legal na minimum na sahod.

Dati malaking problema ang insurance at health care para sa mga migranteng manggagawa, ngunit mula noong 2012 ay naging mandatory para sa lahat ng mga dayuhang manggagawa na magkaroon ng Hospitalization and Surgical Scheme; ang premium ay dapat bayaran ng employer o empleyado. Gayunpaman, ang mga domestic worker ay hindi nasasakop ng maraming mga pangunahing proteksyon sa paggawa, kabilang ang mga regulasyon sa oras ng trabaho, araw ng pahinga, public holidays, taunang bakasyon, sick leave, mga panuntunan sa minimum na pasahod o social security coverage. Ang mga reporma sa paggawa kamakailan lamang ay makakatulong sa pag papalakas ng kita ng mga migranteng manggagawa dahil hindi na pinahihintulutan ang mga employer na ibawas ang levy ng dayuhang manggagawa mula sa kanilang sahod.

Alamin ang higit pa tungkol sa degree of respect para sa mga manggagawa 'karapatan sa bansa batay sa ITUC Global Karapatan Index dito.