Worker's stories & rights violation

NABALING PANGAKO AT NABALING MGA KATAWAN - ANG AMING PAGLALAKBAY BILANG MIGRANTENG MANGGAGAWA
 
Sinabihan kami ng isang recruitment agent sa aming barangay na may trabaho overseas na may sweldong USD 400 kada buwan. Sinabi samin na sa isang pabrika ng papel ang trabaho na tatagal ng walong oras kada araw, anim na araw kada linggo. Ayon sa agent, walang recruitment fee na sisingilin dahil ibabawas na lang ito sa aming mga sahod.
Isang linggo bago ang pag-alis namin, bumyahe kami sa kabiserang lungsod para sa aming pre-departure orientation. Tinanong namin ang agent tungkol sa aming mga kontrata pero sinabihan kami na huwag ito alalahanin ngayon at makukuha namin ito bago ng departure
Sa airport, sa araw ng aming pag-alis, pinapirma kami sa isang kontrata. Taliwas ito sa kontratang pinangako sa amin ng agent. Ang sweldo sa kontrata ay USD 200 lang. Binigyan din kami ng resibo para sa USD 100 na gastusin sa recruitment fee na aming kailangang bayaran.
Isipin nyo na lang yung gulat namin. Pero, wala na kaming nagawa kasi nasa airport na kami at handa nang umalis. Malaki din yung pag-asa ng mga pamilya namin na masusuportahan namin sila dahil sa mga bagong trabaho.
Pagkatapos ng mahabang flight, nung dumating na kami sa bago naming mga trabaho, pinapirma ulit kami ng bagong kontrata na ipapasa sa mga awtoridad.
Nakalagay sa kontrata na magtratrabaho kami para sa isang kumpayang gumagawa ng mga pipe na may sahod na USD 200 kada buwan. Hindi kami binigyan ng kopya nitong kontrata, kinuha din ng employer ang aming mga pasaporte.
Mabigat yung trabaho sa pagawaan ng mga pipe, at naapektuhan ang aming kalusugan. Nagtrabaho kami ng 10-12 na oras nang walang bayad sa overtime. Sa unang anim na buwan, napunta lahat ng sahod namin sa pagbayad ng recruitment fee.
Nakuha namin yung unang cheke ng sahod pagkatapos ng pitong buwan ng pagtratrabaho. Pero 100 USD lang ito. Tinanong namin yung aming employer kung bakit kalahati lang ng nakalagay sa kontrata yung natanggap namin na sahod. Doon lang kami sinabihan na binawas sa aming mga sweldo yung bayarin sa pagkain at paninirahan.
Wala kaming magawa - humingi kami ng mga pagbabago, pero binantaan kami ng deportasyon kung hindi kami papasok sa trabaho.
Sa huli, nacontact at hiningi namin sa mga pamilya namin na mag-request ng tulong sa isang migrant organization. Sinuportahan kami ng organisasyon sa pagsampa ng kaso sa Ministeryo ng Paggawa. Sa pamamagitan ng kanilang tulong nakuha namin yung sahod na nakasaad sa aming kontrata.

 

Migrant workers reporting their case to migrant rights organisation to seek foe help
Migrant workers filed their complaint about their recruitment process to a local union.
KUNG GINAMIT KO YUNG RECRUITMENT ADVISOR, MAS NAKILALA KO SANA YUNG AGENT, EMPLOYER AT KUNG PAPAANO NILA TINATRATO ANG MGA MANGGAGAWA
HINDI DAPAT PAGDAANAN NG IBANG MGA MANGGAGAWA YUNG NARANASAN KO
GAMITIN ANG MIGRANT RECRUITMENT ADVISOR UPANG LALONG MAPALALIM ANG KAALAMAN SA INYONG MGA KARAPATAN
Nireport ang kasong ito sa isang myembro ng Migrant Forum in Asia. Dinukomento naman ito sa pamamagitan ng Hamsa complaint mechanism. Isang paraan ang Hamsa upang makapag-report ang mga migranteng manggagawa ng mga paglabag sa kanilang karapatan at abuso sa proseso ng recruitment. Irerefer at iaaddress ang mga reklamong isasampa ng mga migranteng manggagawa ng mga myembro ng Migrant Forum in Asia at mga unyon. Binago ang mga pangalan at detalye upang protektahan ang manggagawa, ngunit hindi ginalaw ang totoong mga pangyayari.
Isinusulong ng International Trade Union Confederation (ITUC) at Migrant Forum in Asia ang patas na recruitment sa mga migranteng manggagawa. Makakatulong ang mga karanasang ito sa mga tao na naghahanap ng trabaho overseas upang matuto sila sa mga pinagdaanan ng mga manggagawang nauna sa kanila.
Ibahagi ang inyong karanasan sa Recruitment Advisor
I-rate ang inyong agent
Alamin ang inyong mga karapatan
Hanapin kung saan ka makakahingi ng tulong
 
KINULONG NG WALANG PAGKAIN
HUWAG NINYONG GAYAHIN YUNG MGA PAGKAKAMALI KO - TINGAN ANG RECRUITMENT ADVISOR PARA MAS MAKAALAM TUNGKOL SA INYONG AGENT O POSIBLENG EMPLOYER
Gusto ko noon magtrabaho abroad para kumita ng pera na kailangan ko para suporthan yung aking pamilya
Unti lang yung mga trabaho kung saan ako nakatira, at karamihan ng mga pamilya sa barangay ko may kamag-anak na nagtratrabaho abroad para suportahan sila.
Sinabihan ako ng isang kapitbahay na may pagkakataong magtrabaho abroad bilang hardinero para sa USD 300 kada buwan. Hindi daw mahirap yung trabaho at mabibigyan ako ng sapat na perang mapapadala sa aking pamilya.
Nagbayad ako ng USD 600 sa isang agent para sa pangako na makukuha ko tong trabaho
Isang buwan bago ako umalis, tinanong ko yung agent tungkol sa aking kontrata at work permit. Tinanong ko na din siya kung ma-aapektuhan ng coronavirus yung trabaho ko. Narinig ko na kasi yung coronavirus sa balita. Sumagot yung agent na wala daw coronavirus sa bansa na pupuntahan ko at pipirmahan ko yung kotrata bago ng departure.
Sa araw ng aking departure, pinapirma sa akin yung kontrata, pero nakalagay na US200 lang kada buwan yung sasahurin ko.
Ayoko sana pirmahan, pero naramdaman ko na kailangan kasi nagbayad na ako ng USD 600 sa agent. Hiningi ko rin sa kanya yung resibo sa recruitment fee at nakakuha ako ng resibo para sa USD 100, eto yung maximum fee na pwede sa bansa ko.
Pagdating ko sa destination, sinalubong ako ng isa pang agent na nagpapirma sa akin ng bagong kontrata. Hindi ako binigyan ng kopya nito, at kinuha pa ng employer yung pasaporte ko.
Pagdating ko sa pagtratrabahuan, nalaman ko na sa construction pala yung trabaho, hindi pag-hahardinero. Kinailangan ko magtrabaho ng aabot sa 12 na oras kada araw sa isang buwan. Hindi man lang ako binayaran.
Wala akong maayos na akomodasyon at kinailangan kong makipag-hati ng isang kwarto sa 15 pang manggagawa malapit sa construction site.
Pagkatapos ng dalawang buwan ng ganito, sinabihan kami na matitigil ang construction dahil nagpatupad ang gobyerno ng quarantine para pigilan yung pagkalat ng coronavirus
Hindi kami pinayagang umalis ng aming akomodasyon ng tatlong linggo at naging desperado kami kasi tumigil yung kumpanya sa pagbibigay ng pagkain.
Hindi kami makalabas para kumuha ng pagkain kasi huhulihin kami ng pulis dahil sa paglabag sa quarantine.
Kinailangan naming mag-post ng mga picture ng aming kalagayan sa Facebook at humingi ng tulong.

 

Migrant workers from different origin countries about to return home after seeking help for repatriation
Migrant workers from different origin countries were waiting for the repatriation process
KUNG GINAMIT KO YUNG RECRUITMENT ADVISOR, MAS NAKILALA KO SANA YUNG AGENT, EMPLOYER AT KUNG PAPAANO NILA TINATRATO ANG MGA MANGGAGAWA
HINDI DAPAT PAGDAANAN NG IBANG MGA MANGGAGAWA YUNG NARANASAN KO
GAMITIN ANG MIGRANT RECRUITMENT ADVISOR UPANG LALONG MAPALALIM ANG KAALAMAN SA INYONG MGA KARAPATAN
Nireport ang kasong ito sa isang myembro ng Migrant Forum in Asia. Dinukomento naman ito sa pamamagitan ng Hamsa complaint mechanism. Isang paraan ang Hamsa upang makapag-report ang mga migranteng manggagawa ng mga paglabag sa kanilang karapatan at abuso sa proseso ng recruitment. Irerefer at iaaddress ang mga reklamong isasampa ng mga migranteng manggagawa ng mga myembro ng Migrant Forum in Asia at mga unyon. Binago ang mga pangalan at detalye upang protektahan ang manggagawa, ngunit hindi ginalaw ang totoong mga pangyayari.
Isinusulong ng International Trade Union Confederation (ITUC) at Migrant Forum in Asia ang patas na recruitment sa mga migranteng manggagawa. Makakatulong ang mga karanasang ito sa mga tao na naghahanap ng trabaho overseas upang matuto sila sa mga pinagdaanan ng mga manggagawang nauna sa kanila.
Ibahagi ang inyong karanasan sa Recruitment Advisor
I-rate ang inyong agent
Alamin ang inyong mga karapatan
Hanapin kung saan ka makakahingi ng tulong

 

Nakahiwalay, Ginutom at Binugbog
Woman migrant domestic worker filling in a complaint form
Migrant domestic worked filed a complaint to a local organisation about her recruitment agency and employer.

HUWAG NINYONG GAYAHIN YUNG MGA PAGKAKAMALI KO - TINGAN ANG RECRUITMENT ADVISOR PARA MAS MAKAALAM TUNGKOL SA INYONG AGENT O POSIBLENG EMPLOYER
Bulag yung asawa ko, kaya ako lang yung nag-iisa sa pamilya na kaya magtrabaho. Hindi ko talaga kaya kumita ng sapat para suportahan yung pamilya ko sa sariling kong bansa.
Nagtrabaho ako bilang tagalinis, pumupunta sa mga bahay tatlong beses kada linggo at naglalaba para sa dalawang pamilya. Nagtratrabaho ako ng mahabang oras, pero kailangan ko pa rin kumita ng mas malaki para sa aking pamilya.
Tapos nakarinig ako sa isa kong kapitbahay na may broker sa aming barangay na tumulong sa mga tao sa komunidad ko na makahanap ng trabaho abroad.
Pinangakuan ako ng broker ng trabaho na may sahod na USD 300, sapat para makapagpadala ako ng pera sa pamilya ko, pero kinailangan kong magbayad ng recruitment fee na USD 750. Para daw ito sa aking visa, flight, medical check, at training ayon sa broker.
Para mabayaran yung fee, kinailangan namin isanla yung maliit naming sakahan.
Binayaran ko yung fee at sinabihan na aalis ako sa loob ng tatlong buwan. Nakakuha ako ng pasaporte at nagka medical examination, pero walang training o pre-departure orientation.
Dalawang araw bago ng aking departure, bumyahe ako sa aming kabiserang lungsod at tumuloy sa opisina ng recruitment agency. Dito, pinapirma ako ng isang kontrata na hindi ko naintindihan kasi nakasulat ito sa lengguwaheng hindi ko alam.
Bumyahe ako kasama ng sampu pang kababaihan, lahat kasambahay. Pagdating namin sa ibang bansa, dumeretso kami sa mga tahanan kung saan kami magtratrabaho. Walang training o orientation.
Lubos akong pinagod ng trabahong kinailangan kong gawin. Nagtrabaho ako sa tatlong magkakaibang bahay, 15 na oras kada araw, nagluluto at naglilinis para sa mga pamilya. Hindi ako nagka day-off at hindi ako pinayagang gumamit ng cellphone para macontact pamilya ko.
Tuloy-tuloy ito ng tatlong buwan. Pinalala pa ito ng hindi pagbayad sa akin. Pagdating ng ikaapat na buwan, hiningi ko sa recruiter na ilipat ako; sobra-sobra yung pagtratrabaho sa tatlong bahay.
Dito nagsimula yung pang-aabusong pisikal. Nilipat ako sa bagong employer na hinahampas ako at binibigyan ng kakaunting pagkain. Nagtratrabaho parin ako ng mabahang oras na walang day-off.
Pagkatapos ng limang buwan binayaran narin ako. Pero kinalibutan ako, binigyan lang ako ng USD 150. Sabi sakin ng employer ko na ito yung napagkasunduan sa recruitment agency.
Sampung buwan mula ng pagdating ko, desperado at takot na ako, kinontact ko ang isang organisasyon na tumutulong sa mga migranteng manggagawa. Hindi ko na matiis yung pang-aabuso. Payat at gutom ako, puno din ng mga pasa yung aking mga braso at likod.
 
KUNG GINAMIT KO YUNG RECRUITMENT ADVISOR, MAS NAKILALA KO SANA YUNG AGENT, EMPLOYER AT KUNG PAPAANO NILA TINATRATO ANG MGA MANGGAGAWA
HINDI DAPAT PAGDAANAN NG IBANG MGA MANGGAGAWA YUNG NARANASAN KO
GAMITIN ANG MIGRANT RECRUITMENT ADVISOR UPANG LALONG MAPALALIM ANG KAALAMAN SA INYONG MGA KARAPATAN
Nireport ang kasong ito sa isang myembro ng Migrant Forum in Asia. Dinukomento naman ito sa pamamagitan ng Hamsa complaint mechanism. Isang paraan ang Hamsa upang makapag-report ang mga migranteng manggagawa ng mga paglabag sa kanilang karapatan at abuso sa proseso ng recruitment. Irerefer at iaaddress ang mga reklamong isasampa ng mga migranteng manggagawa ng mga myembro ng Migrant Forum in Asia at mga unyon. Binago ang mga pangalan at detalye upang protektahan ang manggagawa, ngunit hindi ginalaw ang totoong mga pangyayari.
Isinusulong ng International Trade Union Confederation (ITUC) at Migrant Forum in Asia ang patas na recruitment sa mga migranteng manggagawa. Makakatulong ang mga karanasang ito sa mga tao na naghahanap ng trabaho overseas upang matuto sila sa mga pinagdaanan ng mga manggagawang nauna sa kanila.
Ibahagi ang inyong karanasan sa Recruitment Advisor
I-rate ang inyong agent
Alamin ang inyong mga karapatan
Hanapin kung saan ka makakahingi ng tulong

 

Migrant Forum in Asia (MFA)

Conceived in 1990 in a meeting of migrant workers’ advocates in Hong Kong, MFA was formally organized in 1994 in a forum held in Taiwan entitled, “Living and Working Together with Migrants in Asia”.

MFA is a regional network of non-government organizations (NGOs), associations and trade unions of migrant workers, and individual advocates in Asia who are committed to protect and promote the rights and welfare of migrant workers.

http://mfasia.org

International Trade Union Confederation (ITUC)

The International Trade Union Confederation (ITUC) is the global voice of the world’s working people.

The ITUC’s primary mission is the promotion and defence of workers’ rights and interests, through international cooperation between trade unions, global campaigning and advocacy within the major global institutions.

https://www.ituc-csi.org