See this article for Pilipinas

Ang mga sumusunod na detalye o impormasyon ay patungkol sa mga pambansang batas na may kaugnayan sa mga migranteng manggagawa kabilang ang mga probisyon tungkol sa recruitment ng migranteng manggagawa at iba pang mga patakaran o programa para sa kanilang proteksyon (tulad ng pre-departure training, insurance schemes atbp.).

Workmen's Compensation (Foreign Workers' Compensation Scheme) (Insurance) Order 2005 (PU (A) 45/05) 2005; Itinatakda ng batas na ito ang halaga ng benepisyo na dapat ibayad sa mga dayuhang manggagawa kapag sila’y namatay o nasugatan.

Labour Ordinance, Sabah. Notification under the Malaysian Migration Fund Board Rules 1966. No. S 3 1987; "Pinapalitan ang form para sa pagpaparehistro bilang lisensyadong employer upang gumamit ng mga migranteng manggagawa. Ang mga impormasyong kailangang ibigay ay bilang ng mga manggagawa na nagtatrabaho, mga pasilidad o tirahan at halaga ng sahod.

Employment (Restriction) Act 1968 (Act 353) 1968 (Revised 1988); Regulasyon ukol sa mga employment permits, registration at restrictions para sa mga hindi Malaysian citizens. Official revised version ng Act of 1968.

Immigration Act 1959/63 (Act 155); Regulasyon ukol sa imigrasyon sa Malaysia. Nahahati ito sa 6 na bahagi. Ang unang bahagi ay naglalaman ng mga preliminary na probisyon. Ang ikalawang bahagi ay mga regulasyon sa pagtanggap o pag-alis mula sa Malaysia. Ang ikaapat na bahagi ay naglalaman ng mga procedures sa pagdating sa Malaysia. Ang ikaanim na bahagi ay naglalaman ng miscellaneous na probisyon.